Ligtas at walang pangambang pagdiriwang ng Pasko.
Ito ayon kay Philippine National Police o PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa ang ibibigay na pamasko ng PNP sa mga Pilipino.
Dahil dito, inatasan na ni Dela Rosa ang mga pulis na ikondisyon ang utak na hindi muna makakasama ng matagal ang kani – kanilang pamilya ngayong Christmas at New Year break dahil kailangan nilang mag – duty ng dose (12) oras para magpatrolya.
Kahit aniya ang mga nasa bakasyon na pulis ay dapat mag – report sa pinakamalapit na istasyon para mai – deploy mula 5:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon
Partikular aniyang babantayan ng mga ito ang mga lugar na may mataas na kaso ng gun related deaths.