Nagsagawa ng sorpresang inspeksyon si PNP Chief Director General Ricardo Marquez sa iba’t ibang istratehikong lugar sa Kamaynilaan na may kinalaman sa APEC Summit.
Unang binisita ni Marquez na siya ring pinuno ng APEC Security Task Group ang Baclaran area sa Parañaque City at kinumusta nito ang mga miyembro ng PNP at AFP na nakatalaga sa lugar.
Ipinakita rin ni Marquez ang specialized raincoat o kapoteng isusuot ng mga naka-assign sa lugar bilang panangga sa ulan.
By Jaymark Dagala | Allan Francisco