Humingi ng paumanhin si Philippine National Police o PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa naging pagbagsak ng satisfaction at trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Inamin ni Dela Rosa na nakokonsensya siya dahil sa posibilidad na ang mga kapalpakan sa hanay ng PNP ang naging dahilan ng “dissatisfaction” ng publiko sa Duterte administration.
Matatandaang sunud-sunod na nadawit ang PNP sa kaso ng pagkamatay ng ilang kabataan dahil sa kanilang operasyon kontra illegal na droga.
Samantala, sinabi pa ni Dela Rosa na kahit hindi na sila ang mangunguna sa giyera kontra droga ng pamahalaan ay mananatili pa rin ang kanilang police visibility sa mga operasyon.
Kahapon, ipinag-utos na ni Pangulong Duterte na bitiwan na ng PNP ang pangunguna sa war on drugs at sa halip ay ipaubaya na ito sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
—-