Kuntento si PNP Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa sa mga ipinatutupad na seguridad ng PNP sa Metro Manila ngayong Semana Santa.
Kahapon, nag-ikot si Dela Rosa sa iba’t-ibang matataong lugar sa NCR tulad ng paliparan, terminal ng bus, pantalan, simbahan at maging ang MRT o metro Rail Transit line 3.
Ipinagmalaki pa ni Dela Rosa ang Ninoy Aquino International Airport na siyang pinakaligtas na lugar sa kalakhang Maynila ngayong bakasyon.
Kasamang naglibot ng PNP Chief ang hepe ng NCRPO na si director Oscar Albayalde gayundin ang apat na district directors sa ilalim ng NCRPO.
By: Jaymark Dagala