Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na sila’y apolitical o walang dapat kilingan ngayong panahon ng halalan.
Ito’y ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar kasabay ng pagpapaalala nito sa mga pulis na iwasan ang mga post sa social media na magbibigay bahid sa kanilang pangalan bilang ogranisasyon.
Nakasaad aniya sa umiiral na PNP Memorandum Circular, na dapat walang kinikilingan ang sinumang pulis at hindi rin dapat sila mangampaniya sa sinumang kandidato maging ito man ay social media account ng PNP o kahit sa personal nilang account.
Sakaling mapatunayang nakikisawsaw ang mga pulis sa pulitika ay kakastiguhin ng PNP at mahaharap sa kaukulang parusa.