Pumalag si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Francisco Gamboa sa naging pahayag ni Vice President Leni Robredo na posibleng mauwi sa cover-up ang ginagawang adjudication process nito sa mga pulis na dawit sa drugs watch list.
Sa pulong balitaan ng PNP sa Kampo Crame, tahasang sinabi ni Gamboa na mali ang pahayag at walang batayan ang mga sinabi ng pangalawang pangulo.
Giit ng PNP chief, mawawalan ng saysay ang ginagawa nilang pagsasala sa listahan ng mga pulis na idinadawit sa ilegal na droga kung ang layunin pala nila ay pagtakpan at protektahan ang mga ito mula sa pag-uusig.
Magugunitang binatikos ni Robredo nitong weekend ang ginagawang adjudication process gayundin na rin ang pananahimik ng PNP sa pagkakabilang ni P/Lt. Col. Jovie Espenido sa nasabing listahan.
Wrong statement because there’s no basis. (…) Remember that these cops have also served the country. We’re trying to cleanse the PNP. Kapag sinabi kong mag-optional retirement, it does not mean guilty ka,” ani Gamboa. —ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)