Pinuri ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang kapulisan matapos humakot ng medalya sa larangan ng pampalakasan.
Nabatid na naging matagumpay ang mga tauhan ng PNP na lumahok sa dalawang combat sports events kabilang na ang karate at taekwondo kung saan, 3 golds, 3 silvers, at 3 bronze medals ang kanilang nasungkit sa kauna-unahang kompetisyon.
Kasama ding lumahok ng PNP ang Philippine Coast Guard at Armed Forces of the Philippines na itinanghal naman na kampeonato makaraang makakuha ng 9 golds, 5 silvers, at 4 bronze medals.
Ayon kay Azurin, hindi man nakuha ng PNP ang kampeonato, nakamit pa rin nito ang layunin ng ahensya na pagyamanin ang pagkakaibigan at pagkakaisa sa mga alagad ng batas at mga sundalo.
Bukod pa dito, napanatili din ng mga atletang pulis ang pagiging physical fitness para sa maayos na pagbibigay ng serbisyo sa publiko.