Pinuri at pinasalamatan ni Philippine National Police o PNP Chief General Ronald “Bato” Dela Rosa ang mga pulis na humarap sa mga rallyista ngayong ASEAN Summit.
Inikot ni Dela Rosa ang Pasay at Maynila, at binista ang grupo ng mga pulis na nagbigay seguridad.
Kinamusta din niya ang mga ito at sinabing kuntento siya sa ipinakita nilang trabaho.
Ani Dela Rosa, dapat lamang daw na dinepensahan ng mga pulis ang kanilang mga sarili mula sa mga rallyista para ma – enjoy naman nila ng husto ang dagdag sweldo sa pagpasok ng susunod na taon.
Tiniyak din ni Dela Rosa na pagkatapos ng ASEAN Summit na hahayaan niyang mamasyal sa Metro Manila ang mga pulis na hinugot mula sa mga probinsya.
Sa ikalawang araw ng ASEAN Summit binigyan ng PNP Chief ng markang 9.5 ang sitwasyon ng seguridad.
NOW: PNP Chief Dela Rosa inspects troops deployed in Pasay City for #ASEAN2017 @dwiz882 pic.twitter.com/crBHjKcZi2
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) November 14, 2017
Dela Rosa now in Pasay Rotonda, visits his men deployed here for #ASEAN2017 pic.twitter.com/lG74yhwleh
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) November 14, 2017
Bato inspects policemen deployed in Buendia cor Gil Puyat for #ASEAN2017 pic.twitter.com/RVFG4IWgUo
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) November 14, 2017