Pormal nang umupo bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) si Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa.
Pinangunahan ni President Rodrigo Duterte ang panunumpa ni dela Rosa bilang ika-21 hepe ng PNP.
Sa isinagawang seremonya sa Camp Crame, itinaas din ng Pangulong Duterte ang ranggo ni dela Rosa bilang four star general na siyang pinakamataas sa PNP Officer Corps.
Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Ronald dela Rosa
Bago naging PNP Chief, si Dela Rosa ay nagsilbing executive officer ng Directorate for Human Resources and Doctrine Development at naging opisyal ng command group sa PNP Intelligence Group mula October 2013 hanggang December 2014.
Si dela Rosa ay naging city director din ng Davao City Police Office noong 2013.
‘Bilang na ang mga araw ninyo’
Nagdeklara ng giyera ang bagong Philippine National Police (PNP) Chief na si Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa laban sa mga tiwaling alagad ng batas.
Sa talumpati ng bagong PNP chief , binibigyan lamang nito ng 48 oras ang mga pulis iskalawag na sumuko o kaya ay tuluyan nang umalis sa serbisyo.
Binigyang diin ni dela Rosa na walang puwang sa Pambasang Pulisya ang mga kotong, abusado, tamad at mga sindikatong pulis.
Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Ronald dela Rosa
By Judith Larino | Ralph Obina