Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na kanila pa ring susundin ang minimum health protocols sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kabila ng pagtugon nila sa kalamidad.
Kasalukuyang nasa Cagayan Valley si PNP Chief P/Gen. Debold Sinas upang personal na pangasiwaan ang pamamahagi ng tulong at ang ginagawang rescue operations sa mga lugar na nakaranas ng matinding pagbaha.
Bago mag-ikot sa lalawigan, sumailalim muna sa swab test ang PNP chief gayundin ang mga tauhang kasama nito.
Binigyang diin ni Sinas na walang iiwanan sa pagsasagawa ng rescue operations katuwang ang iba pang law enforcement agencies tulad ng Armed forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine Coast Guard.