Sinisi ni Philippine National Police Chief Gen. Rommel Marbil ang social media kung bakit sa tingin ng publiko ay lumalala ang krimen sa bansa.
Ito ayon kay Gen. Marbil, ay sa kabila ng pagbaba ng 26.76% ng crime rate sa buong bansa sa unang quarter ng 2025 kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon;
Habang 18.4% naman ang ibinaba ng krimen sa unang quarter ng kasalukuyang taon kumpara sa huling quarter noong 2024.
Batay sa datos ng PNP, bumaba ang focus crime incident sa mahigit 7,000 noong Enero 12 hanggang Marso 22; kumpara sa halos 9,000 na naitala noong Nobyembre 3 noong nakaraang taon.
Kabilang sa mga focus crime ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, at carnapping. —sa panulat ni John Riz Calata