Walang balak si Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa na gamitin ang kanyang bagong kapangyarihan na makapag-issue ng subpoena.
Ayon kay Dela Rosa, patunay ito na hindi niya aabusuhin ang nasabing kapangyarihan at hindi gagamitin laban sa mga kalaban sa pulitika ng kasalukuyang administrasyon.
Ipinauubaya na lamang ni Dela Rosa sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang paggamit sa subpoena powers.
Gagamitin lang aniya niya ito sa tinawag niyang extreme cases o di kaya kung wala sa bansa ang dalawang opisyal ng CIDG na binigyan ng kapangyrihan na makapag-subpoena.
Sa ilalim ng bagong batas na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo, binibigyan ng subpoena powers ang PNP Chief, CIDG Director at CIDG Deputy Director for Administration.
PANOORIN: PNP chief Ronald Dela Rosa, napakanta nang mangakong hindi aabusuhin ang kanilang subpoena powers @dwiz882 pic.twitter.com/NPjomDGyLv
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) March 12, 2018
—-