Nakatakdang magpulong ngayong araw ang Special Investigation Task Group (SITG) Bell 429 para talakayin ang mga nakalap na ebidensiya hinggil sa pagbagsak ng helicopter ng Philippine National Police (PNP) sa Laguna noong nakaraang linggo.
Ayon kay SITG Bell Commander at PNP deputy chief for operations Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, natapos na nila ang documentation sa insidente at nalinis na rin ang lugar na pinagbagsakan chopper.
Sinabi ni Eleazar dinala na sa hangar ng Special Action Forces (SAF) air unit sa general aviation area sa Pasay City ang mga nakolektang debris at katawan ng chopper kung saan susubukan itong i-reconstruct at ipadadala sa manufacturer bilang bahagi ng imbestigasyon.
Sa kasalukuyan aniya ay nakatutok na sila sa pagkuha ng pahayag mula sa mga testigo at sa mismong mga nakaligtas sa insidente.
Kaugnay nito nananawagan si Eleazar sa mga residenteng mnalapit sa crash site na magbigay ng mga kuhang larawan o video ng insidente para magamit bilang karagdagdang impormasyon at ebidensya.
It’s early for us magbigay ng findings o conclusion kasi nandoon parin tayo sa gathering and collecting of information and evidence pati na ung papadokumento ng mga statement ng iba ibang mga witnesses at pati rin mga survivor, the pilot, the passenger at mga pwede natin sabihin na makakatulong sa ating imbestigation,” ani Eleazar sa panayam ng DWIZ