Iginiit ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group na palipat-lipat ng pinagtataguan si dating Presidential Spokesman Harry Roque.
Aminado si PNP-CIDG Director Major General Leo Francisco, na isang hamon para sa kanila ang paghahanap kay Atty. Roque lalo na at pumupunta ito sa mga exclusive subdivision.
Sa katunayan aniya ay namataan na ang dating opisyal noong biyernes pero hindi ito naabutan dahil kailangan pa ng permiso para makapasok sa pribadong lugar.
Samantala, tiniyak naman ng ahensya ang patuloy na pagmamanman kay Atty. Roque at pakikipag-ugnayan sa Bureau of Immigration upang malaman kung nasa pilipinas pa rin ito.