Bumuo na nang Special Investigation Task Group ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na mag-iimbestiga sa pagkawala at pag-kidnap sa 26 na sabungero.
Ayon kay CIDG Director Major General Albert Ignatius, kinabibilangan ito ng Regional Field Units sa Metro Manila, CALABARZON at Central Luzon kung saan nawala ang nasabing indibidwal.
Nitong Enero katorse unang nakatanggap ng reklamo ang PNP kaugnay sa pagkawala ng mga indibidwal.
Patuloy naman ang imbestigasyon upang malaman kung sino ang responsable sa nangyari.
Una nang sinampahan ng reklamo ang Manila Arena Administrator na si Cesar Sulit at apat na security guards matapos ang pagkawala ng sabungero noong Enero a-13. —sa panulat ni Abby Malanday