Nakumpiska ng Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang mahigit sa P8-M halaga ng surgical masks na ibinebenta ng overpriced sa Pasay City.
Naaresto sa operasyon ng PNP-CIDG ang isang retired Chinese businessman at dalawang kasamahan nito.
Online selling ang modus ng grupo kung saan ang isang kahon na may 50 surgical masks ay ibinebenta ng P1,700 o P34.00 kada isa gayung P1,400 per box o P28.00 per piece ang aprubado ng Department Trade and Industry (DTI) .
Ang mga suspects ay mahaharap sa kasong paglabag sa Price Act at Consumer Act of the Philippines.