Sinampahan na ng reklamo ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG) si dating PNP Chief General Oscar Albayalde hinggil sa maanomalyang drug raid sa Pampanga noong 2013.
Kasama na ni Albayalde ang 13 umanoy ninja cops na una nang sinampahan ng kaso.
Kabilang ang mis-appropriating seized illegal drugs, graft, qualified bribery, falsification of public documents, perjury at dereliction of duty sa mga isinampa laban sa dating PNP chief.
Kasunod nito ay siniguro naman ng DOJ na magiging patas ang imbestigasyon hinggil dito.