Sumipa na sa 4,004 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP).
Itoy matapos na makapagtala ng karagdagang 103 new infections ang pambansang pulisya.
Samantala, base sa datos ng PNP, umakyat naman sa 2,752 ang recoveries sa kanilang hanay matapos na 47 police officers pa ang nakarekober mula sa sakit habang nananatili naman sa 16 ang bilang ng mga binawian ng buhay.
Sa ngayon, nasa 2,947 ang supect at 670 naman ang probable cases sa loob ng PNP.
Patuloy namang nananawagan ang pamunuan ng pnp, na agad na magtungo sa kanilang health service office sakaling may maramdamang sintomas ng virus.