Nagkasa ng ‘oplan tokhang’ sa mga security agencies ang Philippine National Police-Civil Security Group (PNP-CSG).
Ayon kay CSG acting director Roberto Fajardo, itotokhang nila ang mga security agencies na hindi susunod sa kanilang pakiusap na kusang isuko ang kanilang high powered firearms.
Una rito, ipinag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalan ng high powered firearms ang mga security agencies dahil wala naman anyang kakayahan ang mga security guards na gamitin ito.
Matatandaan na inagaw ng mga New People’s Army (NPA) ang AK-47 assault rifles ng limang security guard sa quarry site ng Minergy Coal Power Plant na inatake ng mga rebelde.
Kahit ano yan, basta may kalaban, kahit papaano, lalaban. So, wala pa po tayong nakikitang security guard na lumaban sa NPA. Lahat naman ng report na nakukuha natin is sinusurrender o binibigay yung firearm pag NPA na yung kaharap nila. So, instead na makatulong sila sa security area e sila pa yung nakukuhanan ng baril at ito naman gagamitin din ng NPA sa ating mga kapulisan, sa pagkahaharap sa mga sibilyan,” ani Fajardo.
Ratsada Balita Interview