Sinibak ang hepe ng PNP Custodial Unit matapos ang pangho-hostage kay Senador Leila De Lima.
Ayon kay PNP Chief General Rodolfo Azurin, Jr., gusto nilang malaman ang mga naging lapses sa pagpapatupad ng seguridad sa Custodial Center.
Tuluy tuloy na rin naman aniya ang imbestigasyon ng PNP-CIDG at forensic teams sa nasabing insidente.
Inihayag ni Azurin na inilipat nila kaagad si De Lima sa pnp General Hospital para makapagpahinga ito habang inaayos ang pasilidad nito.
Naghahanap na rin aniya sila ng pasilidad sa Custodial Center kung saan uubrang ilipat si De Lima.
Muling tiniyak ni Azurin na walang sinumang masasaktan na papasok sa Custodial Center kaya’t ipinag utos niya ang physical security check at pag review sa mga panuntunan hinggil dito