Pinayuhan ng liderato ng senado ang Philippine National Police o PNP na dapat tiyakin na igagalang ng mga pulis ang karapatang pantao at susunod sila sa due process sakaling muling buhayin ang oplan tokhang.
Iginiit ni Senate President Koko Pimentel, mahalagang malinaw ang protocol at dapat na nakasulat ito sa manual na ibibigay sa mga pulis na magpapatupad ng mga operasyon kontra iligal na droga upang matiyak na hindi sila aabuso sa tungkulin.
Ayon kay Pimentel, mas maigi kung sasalain ang mga bagong pulis na itatalaga sa operasyon kontra iligal na droga gaya nang hinahanap ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga walang bahid ng katiwalian.
By Avee Devierte | With Report from Cely Bueno