Pumalo na sa dalawampu’t tatlo (23) ang bilang nasawi bunsod ng pananalasa ng bagyong Vinta sa Northern Mindanao.
Sinabi ni Philippine National Police o PNP Regional Office 11 Spokesman Superintendent Lemuel Gonda na nagmula ang kanilang mga hawak na impormasyon mula sa limang provincial office na kanilang nasasakupan.
Ayon kay Gonda, karamihan sa mga namatay ay mula sa lalawigan ng Lanao del Norte, Misamis Occidental at Bukidnon.
Habang wala namang naitalang patay sa mga lalawigan ng Misamis Oriental, Camiguin at Cagayan de Oro City.
Samantala, posible pa aniyang tumaas ang bilang ng mga patay at nasugatan dahil patuloy pa rin ang pangangalap ng impormasyon ng kanilang mga tauhan sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyo.
Bukas pa, araw ng Linggo inaasahang tuluyang lalabas ng bansa ang bagyong Vinta,
—-