Pansamantalang itinalaga bilang officer-in-charge (OIC) ng Philippine National Police (PNP) si PNP Deputy Director Lt. General Archie Gamboa.
Itoy matapos na mag-avail ng ‘non duty’ status si PNP Chief General Oscar Albayalde, halos tatlong linggo bago ang kanyang retirement sa November 8.
Ayon kay Albayalde, ipadadala ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Malacañang ang kanyang liham kung saan hiniling nyang mag-avail ng ‘non duty’ status upang makapamili na ng kanyang makakapalit sa pwesto ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Una rito, tatlong pangalan ang binanggit ni Senador Bong Go na pinagpipilian ng Pangulong Duterte bilang kapalit ni Albayalde.
Sina Police Lt. General Archie Gamboa na syang OIC ngayon, Lt. General Camilo Cascolan at incoming Directorial Staff Chief Guillermo Eleazar.