Hindi na kailangang paalalahanan pa ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa mga polisiya nito sa ‘war on drugs’.
Reaksyon ito ni PNP Officer-In-Charge, Lt. General Archie Gamboa sa paalala ni Vice President Leni Robredo na baka panahon na para repasuhin ng PNP ang kanilang giyera kontra droga.
Ayon kay Gamboa, isinasailalim nila sa assessment ang kanilang mga polisiya kada ikatlong buwan ng taon.
Ito anya ang dahilan kaya’t may mga makikitang pagbabago sa mga ipinatutupad nilang strategy mula pa noong 2016.