Mahigit 500 case folders ang narekober ng PNP-DIDM o Directorate for Investigation and Detective Management mula sa Caloocan City Police Station na nasunog nuong isang linggo.
Ayon kay DIDM Chief Director August Marquez, Jr. narekober nila ang 545 case folders sa pamamagitan ng CIDMS o Case Information Data Based Management System na nagsisilbing back up ng mga investigation document.
Sinabi ni Marquez na kapag naipasok o na upload ang isang case folder sa CIDMS uubra itong ma retrieve sa internet sa pamamagitan ng isang activated user account.