Naghahanda na ang pambansang pulisya at interior department para sa pilot implementation ng granular lockdown kasabay ng mga alert level system nito sa Metro Manila.
Ayon kay Interior Undersecretary Epimaco Densing III, may nabalangkas na silang guidelines na siya namang papaabrubahan sa Lunes.
Habang sa panig naman ng pambansang pulisya, inatasan na ni pnp Chief Guillermo Eleazar ang mga tauhan nito na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan na kanilang kinaruruonan bago mag-Setyembre 16.
Pagtitiyak ng pamahalaan na maagang aabisuhan ng mga awtoridad ang mga lugar na maaapektuhan ng granular lockdown para makapaghanda ang mga ito.
Samantala, habang umiiral ang two week pilot implementation sa Metro Manila, tanging isang alert level lamang ang ipatutupad.