Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang presensya ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Senado.
Ito’y kasunod ng pananatili ni Senador Antonio Trillanes IV sa Senado matapos bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang amnesty.
Ayon kay PNP Spokesman Senior Supt. Benigno Durana, nasa Senado ang ilang tauhan ng CIDG para magbigay ng alalay sa kanilang counterpart sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sakaling arestuhin na si Trillanes.
Ngunit dahil wala pa aniyang warrant of arrest laban sa senador kaya sila ay nakaantabay lamang umano.
Tiniyak din ni Durana, na susunod ang mga pulis kung hindi rin naman maglalabas ang korte ng arrest warrant laban kay Trillanes.
Maghihigpit na ang Senado sa mga pulis at sundalong nais pumasok sa Senado.
Ito ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III matapos dumagsa ang mga armadong pulis at sundalo na naatasang umaresto kay Senador Antonio Trillanes IV.
Sinabi ni Sotto na ayaw na niyang maulit ang naturang kaganapan kaya kailangan muna aniyang magpaalam ng mga sa senate sergeant of arms bago ito makapasok sa Senate compound.
Bagama’t nilinaw ng pinuno ng Senado na walang problema sa presensya ng mga pulis at sundalo dahil dagdag pa aniyang seguridad ito, nais lamang umano niya ng kaayusan.