Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) ang ulat na hindi nila binantayan ang pamilya ng naarestong doktor, na suspek sa naganap na shooting incident noon sa Ateneo De Manila University.
Depensa ni Basilan Provincial Police Director, Col. Pedro Martirez, noong Huwebes pa niya iniutos sa kaniyang mga tauhan na bantayan si Ronald Yumol na ama ni Dr. Chao Tiao Yumol.
Isang araw ito matapos pagbabarilin ang ama ng doktor na naganap sa harap ng mismong tahanan nito sa Lamitan, Basilan.
Ayon pa kay Martirez, sinabihan na ng kaniyang mga tauhan ang biktima na huwag munang maglalabas-labas at hintayin munang makabalik ang tropa para mabigyan sila ng proteksyon.
Sa ngayon, bagaman nilisan na ng pamilya ni Yumol ang pinangyarihan ng krimen ay tiniyak ng PNP na mahigpit pa rin nilang binabantayan ang bahay ng mga ito.