Dumistansya ang Philippine National Police (PNP) sa negosasyon para sa paglaya ng 5 pulis na binihag ng New People’s Army sa Davao City.
Ayon kay Chief Inspector Migrace Driz, Public Information Officer ng Davao City PNP, mga kinatawan ng pamilya ng mga biktima at si Mayor Rodrigo Duterte ang nakipag-negosasyon sa mga NPA na dumukot sa 5 pulis.
Sa ngayon anya ay sumalang na sa medical check up at stress debriefing ang 5 pulis na pinalaya ng NPA.
Bahagi ng pahayag ni Chief Inspector Migrace Driz, PIO Officer Davao City PNP
By Len Aguirre | Ratsada Balita