Walang nakikitang dahilan ang Philippine National Police upang magtaas ng alert status sa muling pagbubukas ng klase.
Ayon kay PNP Spokesman, S/Supt. Bartolome Tobias, normal naman ang alert level sa Metro Manila, hindi gaya sa Mindanao kung saan patuloy ang pagpapatupad ng full alert status.
Generally peaceful pa rin, aniyaa ang muling pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa elementary at high school sa buong bansa.
Inihayag din ni Tobias na kaparehong hakbang ang kanilang ipatutupad sa pagbabalik sa klase ng mga pribadong paaralan sa mga susunod na linggo.
By Cris Barrientos / Drew Nacino