Paiigtingin pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang police visibility kahit ibinaba na sa Alert Level 1 ang Metro Manila at maraming lugar sa bansa.
Ito’y kasunod na rin ng unti-unting pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 gayundin ang layuning buhayin muli ang ekonomiya sa gitna ng pandemiya.
Ayon kay PNP Chief, P/Gen. Dionardo Carlos, dahil sa inaasahang pagdami ng mga lalabas sa kanilang mga bahay, malaking hamon sa kanila ngayon na tiyaking nasusunod pa rin ang public health standards.
Una nang inanunsyo ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilalagay sa Alert Level 1 ang Metro Manila gayundin ang 38 iba pang lugar sa bansa kung saan, maraming negosyo na ang papayagang magbukas.
Dahil dito, patuloy na umaapela si Carlos sa publiko na huwag magpaka-kampante at sumunod pa rin ang health protocols dahil naririyan pa rin ang banta ng virus kahit marami na ang nabakunahan kontra rito.