Inatasan na ni PNP Chief, Gen. Dionardo Carlos ang lahat ng police commanders na maghanda sa isasagawang face to face classes sa Metro Manila.
Ito’y makaraang bigyan na ng go-signal ng department of education ang dalawampu’t walong paaralan na magsagawa ng face to face classes sa National Capital Region.
Ayon kay Carlos, hihingi sila ng final list ng paaralang lalahok upang makapaglatag ng kani-kanilang security preparations ang mga hepe ng pulisya sa mga nasabing lugar.
Tiniyak naman ng Chief PNP na walang armas na bibitbitin ang mga pulis sa pagbabantay lalo’t ang mga eskuwelahan ay pawang zones of peace.
Aarangkada ang face to face classes sa Metro Manila, simula disyembre a–sais.—sa panulat ni Drew Nacino