Handa na ang Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng mas mahigpit na health protocols laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Metro Manila.
Ito’y matapos itaas ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa Alert Level 3 ang restrictions na aarangkada simula bukas, Enero 3 hanggang 15 bunsod ng pagsirit ng bilang ng mga impeksiyon sa bansa.
Ayon kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos, makikipag-ugnayan sila sa IATF at maging sa mga lokal na pamahalaan para sa mas epektibong implementasyon ng alert level system.