Nakahanda na ang Philippine National Police (PNP) sa pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral sa pagbubukas ng klase sa susunod na buwan.
Ayon kay PNP Chief General Oscar Albayalde, mula election mode, lilipat na ang kanilang atensyon sa pagbabalik paaralan ng halos 30-M mga estudyante sa buong bansa.
Kaugnay nito, magpapakalat ang PNP ng aabot sa 120,000 mga pulis para sa kanilang ‘Ligtas Balik Eskwela 2019’.
Partikular na tututukan nila ang palid ng mga paaralan kung saan magtatayo sila ng mga police assistance desk.
Tiniyak din ni Albayalde ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHEd) para sa mapayapa at ligtas na pagbubukas ng klase.
with report from Jaymark Dagala (Patrol 9)