Handa na ang Philippine National Police (PNP) na muling bumalik sa giyera kontra droga.
Batay ito sa apela ng iba’t ibang lokal na pamahalaan sa bansa.
Ayon kay PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa, ito ay dahil sa balik na naman sa dati ang mga tulak at gumagamit ng iligal na droga matapos pansamantalang suspendihin ng pamahalaan ang Oplan Tokhang.
Iginiit naman ng PNP Chief na hindi na kailangang tapusin pa ang internal cleansing sa PNP bago bumalik sa giyera kontra droga dahil sa wala naman aniya katapusan ang paglilinis sa kanilang hanay.
Sa kabila nito, wala pang balak si Dela Rosa na irekomenda sa Pangulo ang pagbabalik ng PNP sa kampanya kontra droga dahil sa ayaw anya niyang pangunahan ang Punong Ehekutibo.
By Ralph Obina