Tiniyak ni outgoing PNP Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa na iiwanan niyang handa ang PNP para sa nalalapit na Barangay at SK elections sa Mayo.
Ayon kay Dela Rosa, may nakalatag na silang mga security measures para sa halalan na ipagpapatuloy na lamang ni incoming PNP Chief Oscar Albayalde.
Sa ngayon, wala silang namomonitor na anumang banta sa seguridad sa buong bansa para sa lokal na halalang magaganap.
Pero pagtitiyak ni Dela Rosa, tinututukan din nila maging ang mga miyembro ng New People’s Army sa mga kanayunan na posibleng magsamantala sa sitwasyon.
Bukas, Abril 19, pormal nang ililipat ni Dela Rosa ang kapangyarihan at tungkulin kay Albayalde bilang pinuno ng pambansang pulisya.