Tiniyak ng pamunuan ng Pambansang Pulisya na bantay sarado na ang galaw ng mga pulis na sasabak sa mga operasyon ng pulisya kontra iligal na droga.
Ito’y ayon kay Philippine National Police o PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa makaraang kumpirmahin nito ang pagbabalik ng Oplan Tokhang ngayong buwan.
Ayon kay Dela Rosa, bagama’t hindi niya maipangako na hindi na magiging madugo ang kampaniyang ito ng PNP, dapat aniyang matiyak na susunod ang lahat ng pulis sa tamang proseso ng pagsasagawa ng operasyon.
Muli pang ibinida ng PNP Chief ang mahigit sa 3,000 drug suspects na napatay ng pulisya matapos na manlaban habang mahigit 1.3 milyon naman aniya ang napasuko sa ilalim ng kampaniya.
—-