Haharangin ng PNP o Philippine National Police ang anumang planong destabilisasyon laban sa gobyerno.
Ito ang pahayag ng PNP kasunod ng paglutang ng grupong PADEM o Patriotic and Democratic Movement na nagpakilalang mga pulis at militar at nanawagang patalsikin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent Dionardo Carlos, hindi sila konektado sa nasabing grupo.
Hindi rin aniya sila papayag na gamitin ang pangalan ng PNP sa anumang tangkang pagtataksil sa konstitusyon at pag-agaw ng kapangyarihan.
Pagtitiyak pa ni Carlos, tanging mga legal na utos lamang mula sa kanilang mga lider ang kanilang sinusunod.