Handang harapin ng pambansang pulisya ang gagawing imbestigasyon ng senado hinggil sa pagbabalik serbisyo kay Police Superintendent Marvin Marcos.
Ayon kay PNP spokesman Chief Superintendent Dionardo Carlos, handa nilang ilatag sa mga senador ang prosesong dinaanan ni Marcos para makabalik sa trabaho.
Iginiit ni Carlos na hindi lang si Marcos ang unang pulis na may ganitong klaseng kaso.
Matatandaang kahapon, kaliwa’t kanang batikos mula sa mga senador ang inabot ng PNP o Philippine National Police dahil sa reinstatement kay Marcos.
- Meann Tanbio | Story from Jonathan Andal