Tiniyak ng Philippine National Police o PNP ang suporta sa bagong talagang pinuno ng Anti-Criminal Council of the Philippines na si Bureau of Corrections Chief Ronald Dela Rosa sa laban nito sa mga smuggler.
Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, handa silang magbigay ng security aide o dagdag na puwersa sakaling kailanganin ni Dela Rosa.
Naniniwala rin si Albayalde na talamak pa rin ang smuggling sa bansa lalo’t binubuo ng maraming isla at karagatan ang Pilipinas na maaaring daanan ng mga smuggler.
Gayunman tiwala naman si Albayalde na sakaling hihingi man ng tulong sa kanila si Dela Rosa, hindi na kakailanganin nito ng maraming puwersa dahil kakayanin na aniya ng mga territorial units ng PNP ang magbigay seguridad.
—-