Nakipag-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa mga malalaking malls sa bansa upang tumulong sa pagpapanatili ng seguridad ngayong kapaskuhan.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PNP spokesperson Jean Fajardo na handa rin ang kanilang hanay na tumulong sa pagkontrol ng trapiko lalo’t inaasahan na ang pagdami ng mga sasakyan sa mga lansangan.
Maliban dito, sinabi ni Fajardo na mayroon ding ilalagay na police assistance desks sa malalaking malls sa buong bansa.