Hawak na ng Pambansang Pulisya ang isa sa mga umano’y miyembro ng Lost Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Zamboanga del Norte.
Kinilala ni PNP Chief Police Gen. Debold Sinas ang naaresto na si Kayser Martinez alias Alihamra Martinez, 37-anyos.
Naaresto si Martinez ng mga pulis sa ikinasang operasyon sa bahagi ng Siocon sa nasabing lalawigan sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong multiple murder.
Sinasabing miyembro si Martinez ng MILF Lost Command sa ilalim ng grupo nina Hairulla Hassan alias Hayron Hassan at Eddie Namenso alias Commander Liwayway.
Nabatid na sila ang nasa likod ng madugong pagpatay sa apat na indibidwal sa Guisakan, Brgy. D. Reconalla sa nasabing bayan noong August 1999.
Nagpapatuloy naman ang pagtugis ng mga awtoridad sa mga pinuno ng grupo at iba pang kasamahan nito na nag-o-operate sa lugar bilang local terrorist group. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)