Mahigit 300 tawag ang natugunan ng Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng kanilang helpline 16677 sa loob lamang ng dalawang araw.
Kasunod na rin ito ayon kay PNP Chief Archie Gamboa nang paglulunsad ng kanilang quick response hotline para sa mga reklamo at tanong kaugnay sa mga bagong polisiya sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Layon aniya ng PNP helpline na mabilis na makatulong at maka responde sa publiko sa kalagitnaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sinabi ni Gamboa na bukod sa pagsagot sa mga reklamo at tanong ang PNP helpline ay magbibigay ng napapanahong ulat mga impormasyong kailangan ng taumbayan gayundin ang paglilinaw sa ilang quarantine protocols.
Sa kabuuan ipinabatid ni Joint Task Force COVID-19 Shield Commander Lt General Guillermo Eleazar na nasa mahigit walong libo na ang tawag na natatanggap ng helpline 16677 sa loob ng pitumput limang araw na pagpapatupad ng community quarantine. —ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)