Nilinaw ng PNP-Highway Patrol Group na mananatili pa rin ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang pamamahala sa trapiko sa buong Metro Manila.
Ayon kay PNP Highway Patrol Group Chief Senior Superintendent Arnold Gunnacao, tutukan lamang ng HPG ay ang anim na pangunahing mga choke points sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue o EDSA
Ito ay ang Pasay Rotonda, Guadalupe, Shaw, Ortigas, Cubao at Balintawak.
“Magtutulungan po kami ng MMDA, hindi pa rin po natanggal sa kanila yung kanilang trabaho, tutulong po kami sa pagpapatupad ng batas trapiko lalo na sa area na ‘yun.” Giit ni Gunnacao.
By Rianne Briones