Dumistansya ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa gagawing rally ng mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.
Ito’y para isulong ang pagtatatag ng revolutionary government bilang paghahanda sa pagpapalit ng sistema ng gubyerno patungong federalismo.
Ayon kay PNP Spokesman P/BGen. Ildebrandi Usana, ang PNP aniya ay nasa security sector kaya’t hindi sila obligadong lumahok sa ganuong uri ng pagtitipon.
Gayunman, tutuparin lamang ng pulisya ang kanilang mandato sa ilalim ng chain of command na tiyaking nasa ligtas at mapayapa ang gagawing rally.