Hindi magbibigay ng special treatment ang Philippine National Police (PNP) kay Dr. Chao Tiao Yumol na suspek sa pamamaril sa gitna ng graduation ceremony sa Ateneo De Manila University.
Naniniwala si PNP officer in charge Pol. Lt. Gen. Vicente Danao, Jr. na malakas ang kaso ng PNP laban kay yumol na nahaharap sa patung-patong na kaso sa prosecutor’s office.
Kabilang sa mga kasong isinampa laban sa suspek ang 3 counts ng Murder at Frustrated Murder in relation to Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.; paglabag sa Anti-Carnapping Act of 2016; at Malicious Mischief.
Ayon kay Danao, nasa prosecutor na ang desisyon kung iaakyat nito sa Trial Court ang kaso laban kay Yumol na ngayon ay nananatili sa kustodiya ng Quezon City Police District (QCPD).