Inihayag ni Philippine National Police Chief Director General Ricardo Marquez na wala pang solidong ebidensya na magpapatunay na nasa Sulu ang 3 dayuhan at 1 Pinay na dinukot sa Samal Island, Davao del Norte.
Ito’y kahit tukoy na ng pnp ang pagkakakilanlan ng ilan sa mga abductors ng 4 na bihag.
Ayon kay Marquez, hindi pa nila makumpirma kung dinala na sa Sulu ang mga nasabing bihag, bagamat may mga natatanggap silang impormasyon hinggil dito.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng pambansang pulisya maging ang operasyon para mailigtas ang mga bihag.
By: Meann Tanbio