Iginiit ni Renato Reyes, Secretary General ng grupong Bayan Muna, na hindi sapat na matunaw lamang sa kahihiyan ang pambansang pulisya.
Ito ay tugon ni Reyes sa pahayag ni PNP o philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa, na natutunaw siya sa kahihiyan matapos malaman na sa loob ng Kampo Krame pinatay ang Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.
Sinabi ni Reyes na kailangang mapanagot ang lahat ng pulis na sangkot sa pagpatay dahil nawawalan ng takot sa batas ang publiko, dahil hindi napapanagot ang mga sangkot sa karumal dumal na krimen.
By: Katrina Valle / Allan Francisco