Hinihimok ng Philippine National Police (PNP) ang mga pamunuan ng mall at iba pang establisyemento ng negosyo na palakasin ang puwersa ng mga security personnel nito habang papalapit na ang kapaskuhan gayung niluwagan din ng gobyerno ang COVID-19 quarantine restrictions sa iba’t-ibang rehiyon.
Sinabi ni PNP Chief Lieutenant General Dionardo Carlos na dapat paghandaan ng mga business establishments ang pagdagsa ng mga mamimili lalo na sa Metro Manila.
Ani Carlos, may mga police commanders na ring makikipagpulong sa mga management ng malls at sikat na tourist destinations upang talakayin ang safety and security matters.
Ayon pa kay Carlos tuloy-tuloy ang pagpapakalat ng mga kapulisan na may dala-dalang bullhorn sa matataong lugar upang paalalahanan ang publiko na sumunod sa minimum health protocols. —sa panulat ni Joana Luna