Pinalilimitahan ng Philippine National Police (PNP) ang pagdaraos ng christmas party sa mga miyembro ng pamilya o family bubble.
Inihayag ni PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos na kahit pinapayagan na ang pagdaraos ng mga party ngayong kapaskuhan, mas mabuti pa rin na isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa lalo na ang mga hindi pa bakunado kontra COVID-19.
Ani PNP Chief, kung hindi maiiwasan ay gawin na lamang ang christmas party para sa mga miyembro ng pamilya na nakatira sa iisang bahay o sa mga magkakaibigan basta’t fully vaccinated na. —sa panulat ni Jam Tarrayo, sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)